Monday, May 26, 2014



Ikaw Manong,
Ang tingin mong parang
   sa narurupok na kahoy.
Inaanay.
Para bagang nabasang kahoy
   na walang buhay.
Unti-unting kinakain ng sarili
   nitong nabubulok na kamatayan.

O, Ikaw manong
   na di man lamang makatitig.
Ni walang lakas ang mga mata mong
   hamunin akong matignan ka.

Ang matignan ka.
Ikaw. At ang naging ikaw.
Ang kung sino ka dati.

Manong, ikaw -
   na hindi man lamang magawang matignan
   kung sino ka.

Manong, ikaw -
   ang nawawala mong lakas
   upang itaas pa ang iyong paningin.
   - sa pangarap
   - sa hinaharap…

Nakikita kita




**painting "Dugos Man" credits to Mr.Errol Balcos