Ikaw Manong, 
Ang tingin mong
parang
   sa narurupok na kahoy.
Inaanay.
Para bagang nabasang
kahoy
   na walang buhay.
Unti-unting kinakain
ng sarili
   nitong nabubulok na kamatayan.
O, Ikaw manong
   na di man lamang makatitig.
Ni walang lakas ang
mga mata mong
   hamunin akong matignan ka.
Ang matignan ka.
Ikaw. At ang naging
ikaw.
Ang kung sino ka
dati.
Manong, ikaw - 
   na hindi man lamang magawang matignan
   kung sino ka.
Manong, ikaw - 
   ang nawawala mong lakas
   upang itaas pa ang iyong paningin.
   - sa pangarap
   - sa hinaharap…
Nakikita kita
**painting "Dugos Man" credits to Mr.Errol Balcos 
